Sobrang lalim ng thoughts ko, wala akong masulat dito sa abyss na ito. Grabe. Nag-apply ako kanina, ininterview (na naman). Maganda naman ang usapan, di ko lang alam kung natanggap na. Sana nga.
Sumasakay ako sa bus pag lumuluwas. Ang tahimik ko lang, syempre dahil wala akong kausap. [...]
Archive for the ‘filipino’ Category
maikling kamustahan
Posted in filipino, pitiful meanderings on February 1, 2007 | Leave a Comment »
sinko sa balon…
Posted in filipino on December 22, 2006 | Leave a Comment »
nagtapon ako ng sinko sa balon
narinig ang kalansing
sa di naman gaano kalalim
gaano nga ba kalalim ang abyss?
hanggang kailan may mapipiga?
hanggang kailan may mararamdaman?
hanggang kailan maghihintay?
hanggang kailan mabubuhay ng di
namamatay?
Aletheia…
Posted in aletheia, filipino, philosophical on December 14, 2006 | Leave a Comment »
Ang tao ay unti-unti lamang na ginigising ng kanyang mga nasusulyapan sa araw-araw.
Kung bukas ang kanyang mga mata. Kung bukas siya sa nagbubukas sa kanyang katotohanan. Maaaring may makita siya ngayon na hindi niya nakita noon.
Malaya ang katotohanan.
Malaya ang nagmemeron.
Ang tao ay nanliligaw lamang sa kaniya.
Naghihintay at nagpapasalamat sa bawat sinag ng liwanag na [...]
